Bluerose

My life is full of untold stories so sit back and relax while I welcome you into my head...

Saturday, 19 August 2023

Thank you And Goodbye


Gusto ko hilingin na sana wala nalang makabasa nito, na sana di nalang mapost to.. pero in case na mabasa niyo to.. kung hindi ko na mapigilan mapost..ibig sabihin nasa ospital na ko..or worst nasa kabilang buhay na..

Masaya ako..

Naging masaya ako.

At eto ang aking huling paalam.. 

Sa pamilya ko, sa mga kaibigan at sa mundong nagbigay ng pinakamasayang parte ng buhay ko..ang pagsusulat. Salamat.

Sa pamilya ko.. sana kayanin niyong wala ako..at alam ko kaya niyo..sa kapatid kong bunso. Lay, I know nalulungkot ka kasi gusto mo na magkaanak uli. don't worry in God's perfect time, ibibigay din sayo yun. magtiwala ka lang 

Kay kuya.. kuya nung sinabi kong kahit kailan hindi ka naging kapatid samin, na kahit kailan hindi ka naging kuya samin! Joke lang yun. Haha.. kasi kuya ikaw yung ginawa namin lakas nung panahong nawala si mama, alam mo siguro kaya ko nasabi yun kasi..hindi ka talaga naging kuya samin...kasi ikaw yung na tumayong magulang..nanay at tatay samin..kaya salamat..please alagaan mo yung sarili mo huh..kailangan ka nila..ng pamilya natin.

Ate love gusto ko mag sorry sa lahat ng kasalanan at nagawa namin sayo.. Mga nasabi.. Sorry kasi hindi ako nakatapos ng pag aaral kahit ponag aral mo ko..sorry kung mahina yung loob ko.. Sorry kasi ganito ako, at gusto ko din magpasalamat, magpasalamat ng sobra sobra..sa pagintindi, sa pasensya, sa walang sawang pagpapatawad at pagmamahal samin...alam mo naman mga kapatid natin mga pasaway haha.. Sobrang thank you talaga sa lahat.. Mahal na mahal ka namin. 

Kay ate! Naku please lang..umayos ka din haha..yung pamilya mo sana maging priority mo! Haha.. ingatan mo rin yung sarili mo huh..kailangan ka ng mga anak mo..love you te!

Buboy! Haha kuya buboy haha..ano ba sasabihin ko sayo..haha.. sana dumating yung araw na maging maayos na lahat..si bunso bantayan mo..yung mga anak mo lalo na si zhiejan! Umayos ka haha

Kay papa..pa! Mukhang nagkatotoo yung sinabi mo na baka mauna pa ko sayo haha.. mahal kita pa at sana naman itigil mo na yung paninigarilyo mo..haha ayoko pa kita makita sa kabilang buhay kung sakali hahaha

Tikboy! Haha i know may mga bagay na gusto kang sabihin.. mga bagay na tinatago mo pero hindi mo mailabas kasi walang nakikinig sayo.. kaya mo yan! Maghanap ka ng pwede mo gawing outlet.. life is unfair you know..haha laban lang!

Zheijan! wag kang pasaway huh! please lang at wag din makulit kakagigil ka haha mag-ingat ka lage, alagaan mo ang sarili mo at lagi mong tandaan na mahal na mahal ka ni Tito Pi mo. mag aral ka mabuti at maging mabuti ka sa lahat, wag madamot at wag makikipag away. love you Zheijan.


Sa porkchop! Ay day! Haha..mahal ko kayo kahit sobrang dami nating di pagkakaunawaan pero alam ko solid parin tayo..haha almost 20 years! Nag invest ka ng 20 years sa pagkakaibigan natin..di totoo yung sinabi kong nasayang yung mga taon na yun..haha kasi ang totoo..isa yun sa mga pinakamasayang nangyare sa buhay ko.. diana! Tengnes ka! Thank you nagkalovelife ka na! Yung totoo! Haha magingat ka.. april dont die a virgin!!! Haha just kidding..laban lang...lakasan mo yung loob mo.. matalino ka saka yung humor mo..dadalhin ka niyan sa malayo..saan yung malayo? Malay haha.. jhem! Di ako tatanda mag isa haha kasi mawawala ako maaga..hope makasal kayo ni lek! Uli haha Laban lang.. si brys! Laban lang ng laban.. alak pa haha pero sana dumating yung araw na seryosohin mo na yung life mo hehe.. di ka na bumabata..haha go lang ng go..pero dapat alam mo yung limit mo.

Adjong and grace kayong dalawa.. sana naman umayos kayo haha mahal niyo naman ang isat isa eh hahah.. may forever..sana..maging masaya kayo.

BGYO? Bakit sila nasali? Haha Sino sila.. For me they are my hero.. The people who saves me from anxiety, from sadness.. Akira, Gelo, JL, Nate and Mikki.. Thank you sa muling pag papangiti ng totoo sakin.. Thank you so much..BGYOxACEs always in all ways.. Ill follow the bright bright light na haha rawr.. Hehe 

Last words

Death is death before I was born here in this world, death is death before we were born in this so called world. Im not actually scared of dying, im scared of not being remembered, im scared that i will be forgoten.
My life is rough, puno ng lubak, punong puno ng harang, well wala namang perkpektong buhay, lahat tayo may pinagdadaanan, life is never been an easy journey pero kahit ganun lahat tayo sumusubok, lahat tayo nagpapatuloy.
Bakit?
Dalawa lang yan, its either we dont have a choice or we just choose to love and be happy with the life we have, sabi nila na its always a choice pero hindi sa lahat ng pagkakataon kasi minsan wala lang tayong choice.
Hindi natin ginusto o hiningi na mabuhay, pero ginusto natin at hiningi na wag mamatay.
At some point ng buhay ko, i admit na minsan sumagi sa isip ko na magpakamatay nalang coz i dont see any purpose at all, nung namatay si Mama, nung iniwan kami ni Papa, nung kinailangan ko lumaban mag-isa, nung walang nakakaintindi sakin, nung nasasaktan ako, nung mag-isa ako. Napakarami kong pwedeng irason para wag na mabuhay, para sumuko nalang.. pero i dont know why or how? Until now lumalaban parin ako, until now humahakbang parin ako at kahit ang hirap na, o kahit may kadena ng nakatali sa paa ko, gusto ko parin humakbang, gusto ko parin magpatuloy, gusto ko parin mabuhay.
Gusto ko parin makakita ng maraming pagsikat ng araw, gusto ko pa makakita ng napakaraming paglubog ng araw, gusto ko pa makarinig ng malakas na alon sa dalampasigan, gusto ko pa mapagmasdan at subukan bilangin lahat ng bituin sa kalangitan, gusto ko pa maramdaman yung bawat dampi ng hangin na bumubuhay sa aking katawan, gusto ko pa humakbang, gusto ko pa mabuhay.
In any minute now, i dont know kung kakayanin ko pa. Hindi ako sumusuko, pero yung katawan ko unti unti na kong sinusukuan.

Marami akong pinagdaanan, marami na bumuo sakin bilang tao. Kung hangang dito nalang talaga ko. I’m ready.

Sa lahat ng taong mahal ko, sa lahat ng taong maiiwan ko. Salamat for being part of my journey, thank you for being a part of my life. 30 years of being here is such a wonderful gift ive ever had, if God is real. I want to thank him for giving me this life. It might be rough but it is extremely beautiful.

This is my journey, this is my life and this is who I am. Not perfect but I am real.


 Thanks for all the memories and love.

To my bestfriend!

 

            Besh! haha siguro sa oras mabasa mo 'to baka wala na ko sa earth..haha

            Gusto ko lang magthank you sa lahat lahat ng nagawa mo for me, sa oras, sa pakikinig, sa pagdamay sakin nung mga panahon na sobrang down ako. Thank you kasi lagi kang nandyan for me, hindi nagsasawa sa mga kabaliwan ko, sumasakay sa lahat ng trip ko. Minsan masama ugali natin sa isa't isa pera alam naman natin na biruan lang yun and isa siguro yun kaya solid tayo, nagkakaintindihan, magkawavelength..haha 

            Isa ka sa magandang nangyare sa lifetime kong ito at kung magkakaroon man ako ng panibagong buhay..sana nadun ka uli, sana makilala uli kita kasi the best ka..kasi solid ka! kasi iba ka..kasi mahal kita.

            Lagi natin pinag-uusapan kung sino unang made-deads satin dalawa, haha seryoso kung sakali man, talagang di kita titigilan hanggang di kita naisasama para di unfair noh, ano ako lang mag-isa? malungkot yun haha pero kung di man mangyare at hilahin na agad ako pataas dahil sa sobrang bait ko, I wish you luck nalang! takte ka mabuhay ka ng matagal at wag na wag mo kong kakalimutan, wag mo kakalimutan na may isang Carlos Charlie na dumaan at naging kasalo mo sa lungkot at saya sa buhay mong ito.

            I love you besh! Sobra..sana alam mo yun at naramdaman mo. Mag ingat ka lage at sana naman makapag asawa ka haha See you sa next life..love lots.